Simulang basahin ang “Legend of Void Summoner”

Kabanata I – Ang Pagkabulabog

Makikita sa lugar na ito ang napakagandang tanawin na siyang kalulugdan ng lahat na gusto ang maberdeng kapaligiran punong-puno ng mga nabubuhay na mga nilalang. Kagaya ng mga makukulay na ibon na masayang lumilipad-lipad sa iba’t ibang direksyon na siyang malayang tinatamasa ang kagandahan ng lugar at napakasaganang likas na yaman.
Maraming mga naglalakihang mga isdang masayang lumalangoy kasama ang mga kauri nito na kung saan ay masisiyahan ang makikita nito. Ang mga bubuyog ay sobrang galak na lumalapit sa mga naggagandahang mga bulaklak. Masasabi mong mala-paraiso ang lugar na ito ngunit lahat ng bagay ay hindi perpekto kahit ang mga magagandang lugar ay mayroong lihim ng kasamaan o kapangitan. Ito ang tinatawag na balanse ng kapaligiran. 
Ang malayang mga makukulay na ibon kani-kanina lamang ay tinambangan mga mababangis na ibon. Ang mga naglalakihang mga isda ay hinahabol ng mga dambuhalang mga isdang gusto silang maging panghimagas ng mga ito. Ang mga bubuyog na masaya sanang dadapo ay nilamon ng naggagandahang mga bulaklak na literal na may buhay at naglalabasan ang mga naglalakihang tinik nito sa mismong mga makukulay nitong bulaklak.
Tanda ng karahasan ng mismong kalikasan ang sinasabing tanging malalakas lamang ang maaaring maging mas malakas at makapangyarihan.Ito ang hindi mapuputol na kasabihan para sa karamihan na siyang sinusunod ng halos lahat. 
Maraming tao ang makikipagkaibigan sa iyo kung malakas at makapangyarihang nilalang ka at lahat ng mga espesyal na pagtrato ay iyong malalasap o makakamit na siyang kabaliktaran ng mga ordinaryong mga taong may abilidad o ang mga mas mahihinang mga nilalang. Kung mahina ka ay magiging sunod-sunuran ka na lamang sa iba.
…
Nabulabog ang mala-paraisong ganda ng kagubatang ito ng may bigla na lamang may kakaibang pangyayaring naganap maya-maya lamang. May malakas na enerhiyang mabilis na bumubulusok mula sa kalangitan papunta sa kalupaang sakop ng malawak na kagubatang ito. Hindi maipagkakaila na napakaraming mga mababangis na hayop maging ang mga ordinaryong mga hayop na naninirahan dito ang nabulabog lalo pa’t likas na sa mga hayop ang makaramdam ng panganib kung kaya’t nagsilikas ang mga ito takot na mamatay sa oras na tumama ang misteryosong bagay na ito sa kalupaang tinitirhan nila.
Animo’y isang malaking bulalakaw ang tatama sa kagubatan na siyang nakaagaw ng pansin sa mga tao sa isang maliit na nayon. Bakas sa kanila ang pangamba ngunit kasabay rin nito ang kuryosidad sa kanilang mga isip. Alam nilang lubos itong makakaapekto sa kanila kung kaya’t naalarma sila na alamin ang kakaibang pangyayaring ito. 
Ramdam na ramdam nila ang pagkawala ng balanse sa buhay ng mga nilalang na siyang ramdam nila ang mga takot ng mga ito.
Ano po ang gagawin natin Chief Dario sa paglitaw at pagbagsak ng misteryosong bagay sa gubat? Sambit ni Apo Noni sa kanilang itinuturing na Chief ng Kanilang Nayon.
Bakas sa kulubot na mukha nito at ni Chief Dario ang pagkabahala lalo na’t maraming pamahiin ang ipinapahiwatig ng pagbagsak ng kakaibang bagay lalo pa’t lahat ng ito para sa kanila ay masamang senyales ng pagdating ng delubyo kung kaya’t napapaisip siya sa maaaring maging hakbang nila sa kakaibang pangyayaring ito. Kahit sino naman ay gustong malaman ngunit ayaw rin nilang sumubok sa kanilang swerte. 
“Hindi ko pa alam ang dapat nating gawin ngunit sa kakaibang pangyayaring ito ay kailangan nating sumugal lalo pa’t ayaw kong maghatid pa ito ng mas malaking problema.” Sambit ni Chief Dario lalo pa’t hati ang knayang desisyon sa nais nilang maging hakbang sa suliraning kinakaharap nila.
“Sumugal? Naririnig mo ba ang sinasabi mo Chief Dario? Alam mo namang delikado ang pumunta sa malawak na kagubatan na iyon!” Hindi maiiwasang magtaas ng boses ni First former Aleton.
(Former- isang kinatawan ng isang nayon na may kapangyarihan magdesiyon sa nasasakupan nito na siyang katuwang ng Chief sa pagdedesisyon.)
[Apo- isang napakatandang miyembro ng isang nayon o malaking lugar kung saan ay may mataas na posisyon sa pagdedesisyon sa mga bagay-bagay. Maituturing na isa sa mga kayamanan ng lugar na kinabibilangan nito sa angkin nitong talino at karanasan sa buhay.]
“Masyado mo yatang inilalagay ang ating kaligtasan sa napakapanganib na sitwasyon, kinokonsidera mo ba ang kaligtasan ng nasasakupan mo?!” Paasik na ani ni Third Former Serion na hindi pa nito mapigilang mapatanong sa huli.
“Isa ka ba talagang  magaling na Chief?! Tatlong taon ka palang iniluklok sa mataas na posisyon na iyan ay parang alam na alam mo na ang magdesisyon ng sarili mo lamang!” Hindi mapigilang magalit ni Third Former Mario sa padalos-dalos na desisyon ng kanilang Chief.
“Sinusuportahan ko ang desisyon ng Chief.” Mahinang sagot ni Apo Noni ngunit ng marinig ito ng mga Former ng Nayong ito ay mistulang bomba ito sa kanilang pandinig.
“Sinuportahan siya ni Apo Noni?!” Sambit lamang nila sa isip nila lalo pa’t ayaw nilang galitin ang desisyon ng apo. Hindi sila maaaring makipagtalo sa desisyon sa matandang si Apo Noni lalo pa’t sa kanilang lahat ay mas maraming karanasan ang matandang ito sa kanila maging ang kanyang pag-aanalisa ay siguradong may dahilan upang magdesiyon agad-agad sa napakaikling panahon lamang. Walang dudang  wala silang laban kapag siya na ang nagdesisyon. Kahit ayaw nila ang chief ay wala silang magagawa pa.
“Salamat sa iyong suporta Apo Noni——” sambit ni Chief Dario ngunit agad siyang pinigilan ni Apo Noni.
“Hindi ko to ginawa upang suportahan ka o ninuman. Alam kong meron tayong malaking suliraning kinakaharap ngayon at dumagdag pa ang pagbagsak ng misteryosong bagay malapit sa Teritoryo natin. Hindi din natin mahihingan ng tulong ni Patriarch Zemon o ninuman lalo na’t nagkaroon ng di pagkakaunawaan ang kanilang Patriarch at ng ng iba pang Patriarch at sila ang nabuntunan ng lahat ng sisi na ang talagang may kasalanan nito ay ang katabi nilang nayon, ang Nayon ng Orman.” mahabang pahayag ni Apo Noni sa seryosong tono ng pananalita nito. Kahit ito ay mababakasan ng pangamba sa maaaring masamang dulot nito sa kanila at sa karatig nila na mga nayon.
“Hmmm… ” Mahinang sambit ni Apo Noni ngunit nagulat ang lahat ng magsimulang umihip ng malakas na hangin at may berdeng usok ang lumabas sa katawan ng nito. Walang ano-ano pa ay may malaking kulay berdeng Magic Circle ang lumitaw sa ere. 
“I summon you Gyrant, Celestial Child of Ginia, Appear!” maikling engkantasyon ng matanda.
Biglang lumiwanag ang buong kalupaan lalo na ang mga berdeng mga puno’t-halaman maging ang mga Partriach ng ibang nayon ay ramdam nila ang lakas ng kapangyarihang lumitaw sa mula sa kawalan. Kahit sila ay namawis na lalo pa’t kahit na hindi ramdam ng karamihan ang lakas ng natawag ni Apo Noni ay ramdam nila ang walang kapantay na lakas ng berdeng nilalang na iyon.
“Apo Noni!”sambit ng bawat Elders sa kapangyarihan na naramdaman nila. Walang dudang ang matandang yun ang may kayang magtawag ng malakas na nilalang na kayang magpanindig ng balahibo sa takot.
…
Sa loob ng kagubatan, isang napakalaking crater ang nagawa ng isang misteryosong bagay na hanggang ngayon ay ni walang bakas ng pagkasira ng dahil sa impact sa pagbulusok nito kani-kanina lamang. Kapag nakita mo ang loob nito ay masasabi mong isang binatang lalaking unti-unting bumabalik ang kulay ng balat nito sa normal ngunit hindi pa rin maitatanggi ang mga nangingitim nitong balat. Ang nasabing nilalang ay mistulang di magising-gising sa mahimbing nitong pagkakatulog; walang kaalam-alam ang suliranin na ginawa niya sa paglitaw niya sa lugar na ito.
Ang mas ikakagulat niya ay ang pagdating niya sa lugar na ito na siyang maituturing niyang katulad niya? Ang lugar kung saan ang pagtawag sa mga makapangyarihang nilalang ay nabibigyang kalayaan. Walang dudang nandito siya sa lugar na sakop ng Teritoryo ng mga Summoner.

Kabanata II – Summoner World

Mistulang naging isa ang diwa o pag-iisip si Apo Noni at ni Gyrant na sarili nitong tinawag. Lubhang matanda na si Apo Noni ngunit ang lakas niya ay kinakatakutan pa rin ng ilan sa mga nayon. Mataas na kasi ang lebel ng kapangyarihang nakamit ni Apo Noni ngunit hindi rin maipagkakailang napaglipasan na siya ng panahon, isa na kasi itong Fifth Level Summoner na mayroong limang malalakas na Familiar at isa si Gyrant sa familiar nito. Sa mga nayon ay karaniwang nasa Fourth level Summoner lamang ang mga village chief kagaya ni Chief Dario. Ang nakatapak sa 6th Level hanggang 9th Level Summoner ay mga Patriarch. Ngunit sa katandaan ni Apo Noni ay mahihirapan na itong maghunt ng ika-anim nitong familiar at may lakas ito ng 6th Level Summoner hanggang 7th Level Summoner kung kaya’t kahit magtulungan pa sila nina Chief Dario at nang tatlo pa nitong Formers ay balewala pa rin ito dahil sa mabababa lamang ang level ng kanilang Summoning Magic. Hindi rin siya pwedeng humingi ng tulong sa mga Patriarch ngayon dahil may suliranin rin itong kinakaharap laban sa iba pang mga patriarch.
Ang Summoner World ay nasa disiplinadong pamamaraan ng pagkakaroon ng sistema ng kaayusan. Liban rito ay marami pang isinasaayos dito lalo pa’t nagkakaroon ng pag-iiba sa summoner rankings at si Apo Noni ay hindi man lang nakapasok sa alinmang rankings dahil maraming mas higit na mas malakas sa kanya.
Nang makarating si Gyrant sa lugar na pinangyarihan ay siyang lubos ring ikinagulat ni Apo Noni ang kanyang nasaksihan. Hindi niya lubos na aakalaing isang binatang nilalang pala ang nasa loob ng Summoner’s glass kung saan ay isa itong teleportation magic ng mga summoner ngunit ang lubos niyang ikinapagtataka ay ang kalunos-lunos na anyo ng nasabing lalaking nilalang na nasa loob. Halos patay na nga kung tingnan ito ni Apo Noni ngunit ng makita niyang mabuti ang kalagayan ng binata ay humihinga ito at ang balat nito ay unti-unti ring gumagaling sa mabilis na paraan. Sigurado siya sa kanyang naiisip kung bakit naging ganito ito. 
“Ngayon na ba ang pagbabalik ng mga batang henerasyon ng Summoner mula sa ibang dimensyon? Isa itong malaking kaganapan para sa lahat. Pero bakit parang malala ang naging pagdating ng binatang ito? Hindi naman maaaring dulot ito ng Summoner’s glass o may anomalya ito. Mabuti na nga lang at nasa loob siya nito dahil mayroong regeneration o recovery ability ito kung kaya’t buhay pa ito dahil kung hindi ay baka namatay na ito ng tuluyan. Tsk! Tsk!” sambit na lamang ni Apo Noni sa kanyang isipan habang inoobserbahan niya ito gamit ang kanyang tinawag na si Gyrant na isa sa lima niyang familiar.
[Familiar: Tawag sa mga natawag mong mga nilalang kagaya ng mga celestial beings, divine gods, divine childs at iba pa. Maaari ring Summoned Beast o Summoned Creatures at iba pa.]
Agad ring sinubukang buhatin ni Gyrant ang napakabigat na Summoned Glass ng binata na hindi masukat ang bigat pero nakaya rin nitong buhatin sa makailang ulit nitong pagsubok. Halos pumutok rin ang ugat ni Apo Noni dahil sa halos ilang enerhiya rin ang kanyang na-drain dito habang patuloy sa pagkontrol sa kanyang familiar na si Gyrant maging ng kanyang enerhiya.
“Apo Noni, ano po ang nangyayari bakit parang nahi——!” nag-aalalang sambit ni Third Former Serion habang nakikita ang lubos na paghihirap ng kanilang Apo Noni.
Agad siyang pinigilang magsalita ni First Former Aleton.
“Papatayin mo ba si Apo Noni ha, Serion! Malamang ay mayroon siyang mahalagang ginagawang hakbang sa mga oras na ito. Kapag nabulabog mo ang konsentrasyon ng Apo ay ipapalapa talaga kita sa aking mga familiar kapag may nangyari sa kanyang masama!” sambit naman ni First Former Aleton. Kahit na ayaw man nila sa bagong chief ng kanilang nayon na si Chief Dario ay hindi nila maaaring bastusin man lamang si Apo Noni. Hindi man siya nakapasok sa Summoner’s Ranking List ay isa ng karangalan sa kanila na pamilya nila ito o ancestors/kanuno-nunuan ng nayon ng Hercas.
Maya-maya pa ay nabigla silang lahat nang biglang napasuka ng sariwang dugo si Apo Noni.
“Apo Noni!” magkasabay na sambit nina Chief Dario, First Former Aleton, Second Former Mario at Third Former Serion habang nag-aalala.
Agad namang uminom si Apo Noni ng Energy Recovery Water na isang espesyal na tubig galing sa Summoner’s River. Espesyal ang mundo ng mga Summoner. Ang kapaligiran ay napakaganda at biniyayaan ng mayayamang mga enerhiya ng kalikasan maging ang lupa ay napakalusog at ang mga tubig ay nakakagaling. Yun nga lang ay may mga lebel rin ito at ang Energy Recovery Water na nasa Summoner’s River ay isang napakadelikadong lugar dahil pinamumugaran ang sakop ng pook na ito mapa-lupa man o mismong katubigan nito ng mga Ownerless Beasts at iba pang mga Ownerless Heroes at Creatures. 
Yan ang nakakatakot na katotohanan sa mundo ng Summoner’s at isa ang Summoner’s River sa nagkakaroon ng Opening Portal na papunta sa mundo ng mga Summons World kung saan ay naroroon ang mga hindi mabilang na bilang ng mga Ownerless Summon Beast/Creature/Heroes na kung saan ay naghihintay lamang na magmay-ari sa kanila na maging familiar ng mga ito ngunit hindi basta-basta mapapasayo ang mga ito dahil kailangan mo itong mapaamo o kaya ay kailangan mo itong mahuli gamit ang Summoner’s Rope na isang mahiwagang tali kung saan ay espesyal na ginawa upang mahuli mo ang mga ito ngunit nasa sarili mo pa rin nakasalalay kung magtatagumpay ka o hindi. Mababangis ang mga Ownerless na mga Summoned Beast/Creature habang likas na mapanghamak naman at mailap ang mga Summoned Hero na karamihan ay anak ng mga Celestial Beings at mga diyos at diyosa.
Every three months ang bukas ng malaking Opening Portal ng Summons World. Dito ay kailangan mong manghuli ng iyong magiging familiar na hero o beast creatures. Kagaya na lamang ni Gyrant na isang Summoned Hero na anak ng isang Celestial Beings. Matanda na kasi si Apo Noni ng mahuli niya ito pero kung bata-bata pa siya ay baka ilang Summoner’s levels pa ang kanyang nalampasan at ilang libong taon pa sana ang kanyang narating ngunit ang kanyang Summoner’s Talent ay unti-unti ng humihina kaya ilang daang taon na lamang ang kanyang ilalagi dito sa mundong ito kaya nga ingat na ingat ang iba na magalit si Apo Noni lalo na ang mga formers at ni Chief Dario. 
Gusto sana nilang pahabain pa ang buhay ni Apo Noni dahil ito na ang naging pundasyon ng kanilang nayon at kaya nga rin maraming mga nayon ang hindi sila pinakikialaman o binubulabog dahil takot ang mga ito sa lakas na taglay ni Apo Noni kahit na nasa bingit na ito ng kamatayan sa ilang daang taon mula ngayon. Hinihintay lang nila itong mangyari at tsaka ang mga ito lulusob at sasakupin ang kanilang lugar. Yun nga ang malaking problema sa Summoner’s World, kailangan mo ng ibayong lakas at kapangyarihan para hindi ka maapi o maging alipin ninuman. Ang magiging kalaban mo rito ay mga kapwa mo Summoner at ang tawag sa pagsasaayos ng sistema rito ay ang pananakop ng katabi mong lupain o katabing nayon. Iisa man ang patriarch ng ilang mga nayon ay mananatiling ganito pa rin ang sistema rito at karaniwan na lamang ang pananakop dito upang magkaroon ng pag-evolve ng nayon sa pagiging bayan hanggang maging isa itong City yun nga lang ay iisa lamang ang maaaring mamuno rito at ito ay kung ikaw ang pinakamalakas. 
Kasalukuyang inaalalayan ng mga Formers si Apo Noni at tahimik lamang si Chief Dario. Ayaw rin nitong makipag-away sa mga ito o makipag-girian dahil nakakasawa na rin para sa kanya ito.
“Ano po ang ginawa niyo Apo Noni? Bakit parang pinagod niyo ang sarili niyo?!” nag-aalalang sambit ni Second Former Mario na aligaga sa kanyang kinauupuan ngayon. Hindi niya kasi alam kung ano ang pinagkakaabalahan ni Apo Noni sa pagsanib ng isipan nito kay Gyrant. Ngayon lang kasi niyang nakitang muli na napagod ng husto at medyo napinsala pa si Apo Noni dahil sa ginawa nito na lubha niyang ikinabahala. Si Apo Noni nalang kasi ang natitirang protector ng kanilang nayon at lubhang mahina pa sila kumpara kay Chief Dario na siyang nagsisilbing pinuno ng nayon ng Hercas na kinabibilangan nila.
“Nakalimutan niyo kasi sabihin sa akin na ngayon pala ang Summoner’s Annual Celebrations para sa pagbabalik ng mga batang summoners. Di niyo man lang sinabi sa akin ito eh may pagka-ulyanin pa naman ako.” sambit ni Apo Noni.
“Ngayon na pala iyon Apo Noni? Nakaligtaan ko rin kasi sabihin sa inyo eh, pasensya na po.” paghingi ng tawad na sambit ni Chief Dario habang nagkakamot ng batok. Nagkatagpo na rin kagabi ang dalawang buwan na nangangahulugang nasa panibagong buwan na rin ang petsa sa kasalukuyan. Masyado ring silang naging abala nitong nakaraang buwan eh kaya nakaligtaan nila ang okasyon sa ngayong buwan dadausin. Ito ay ang Summoner’s Annual Celebration.
Agad namang bumusangot ang tatlong mga Formers sa naging turan ni Village Chief Dario.
“Diba tungkulin mo bilang Chief o mas mabuting sabihing Village Chief na alamin ang importanteng mga Okasyon ngayong buwang ito o kung anumang araw o taon na yan. Matanda na si Apo Noni upang mag-isip pa ng kung ano-ano dahil makakasama lang sa kalusugan nito ang pagiging iresponsable mo.” sambit ni First Former Aleton.
“Kaya nga eh, wala naman akong intensyong bigyan ng sama o magkalamat ang ating relasyon sa ating mga tungkuling ginagampanan. Dapat marunong ka mag-time management Village Chief Dario dahil importanteng okasyon ito ng buong Summoner World para sa mga bagong henerasyon. Isang buwan mula ngayon ay bubukas na ang Opening Portal sa Summoner’s River baka madamay pa ang mga disipulo ng ating nayon tsk! tsk!” Sambit ni Third Former Serion na may pagka-disgusto. Ayaw niya kasing maging carefree lang ang Village Chief dahil sila nga ay tambak ng gawain pero ito ay nagiging pabaya kahit sa simple nitong responsibilidad. Ayaw man nila sa pamumuno nito pero hindi aabot sa punto na gusto nilang patalsikin ito sa pwesto. Higit kasi na mas bata pa ito kumpara sa kanilang mga Formers na dalawampung taon. Magte-trenta pa lamang kasi ito eh sila malapit ng umabot sa edad na walumpu. Taga-gabay man sila pero kung kailangan nilang maging istrikto ay kailangan dapat para sa kaayusan ng kanilang nayon ito at hindi lang pansariling gusto. Kasi kapag nawasak ang nayon ay silang lahat rin ang magdurusa.
“Medyo pagod na rin ako sa pag-aaway nating to. Basta ang hinihiling ko lang ay paghusayan mo ang tungkuling nakaatang sa’yo Village Chief Dario. Inaalala lamang namin na dapat mapamunuan mo ang nayon at kaming nasasakupan mo ng maayos dahil ang kasalanan mo ay kasalanan rin ng buong nayon.” sambit na lamang ni Second Former Mario habang wala na itong masabi. Ayaw niya rin kasing mamroblema pa si Apo Noni. Medyo kinabahan siya sa pangyayari kanina rito dahil sumuka ito ng maraming dugo. Ayaw niyang dumagdag pa sa suliranin kaya isasaalang-alang niya ang kanilang pangkalahatang kapakanan kaysa sa personal na layunin. Nasa seryoso at delikadong sitwasyon sila at masyadong nagiging agresibo na kasi ang mga katabi nilang nayon na siyang pinakamalaki nilang suliranin ngayon.
“Pasensya na talaga kayo, hayaan niyo at pagsisikapan kong gampanan ng maayos ang aking tungkulin.” sambit ni Village Chief Dario na makikita ang determinasyon nito na mas pagbutihan ang kanyang pamumuno. Kasi naman eh nasanay siya noong kabataan niya na sunod sa layaw lang ang kanyang ginagawa at masyadong light training lang ang ginagawa nito at nakaligtaan niyang siya ang namumuno rito. Yun nga lang ay sinadyang pinatay ang mga magulang niya nitong nakaraang tatlong taon kaya sa edad na dalawampu’t lima ay ulila na siyang lubos at doon nagsimula ang mala-impyernong pagsasanay sa kanya upang ihanda ang kanyang sarili para sa tungkuling maagang iniatang sa mga balikat niya.
Nag-iisa siyang anak kung kaya’t wala siyang naging karamay kundi ang mga nasasakupan niya lalo na si Apo Noni na siyang lolo niya sa tuhod. Matagal na itong nagretiro sa pagiging Village Chief at ito rin ang tumulong sa kanya sa pagsasaayos at paghahanda sa kanya bilang isang ganap na Village Chief. 
Ang pagkamatay ng kanyang magulang ay naging dahilan ng panggigipit ng mga katabi nilang nayon ngunit hindi ang mga ito gumawa ng mga hakbang na ikakagalit ni Apo Noni. Wala rin silang napanagot sa pagkamatay ng kanyang mga magulang dahil mayroong foul play ang nangyari na animo’y sinadya ngunit wala silang makalap na ebidensya para idiin ang mga suspek na pinaghihinalaan nila. Tsaka hindi sila gumawa ng anumang klaseng kaguluhan sa kanilang nayon na tinatawag na Hercas ay dahil ayaw kasi nang mga ito na galitin ang isang Fifth Level Summoner na si Apo Noni. 
Bilang isang Village Chief ay pinag-aralan niya ang bawat sangay ng kanilang teritoryong nasasakupan. Ang kalakalan, ang daloy ng pera o kayamanan ng nayon, ang produksyon ng pagkain at marami pang iba. Layunin niya ring alamin ang mga kahina-hinalang aksyon ng mga kabilang nayon at ang proteksyon ng kanyang nasasakupan. Medyo mahirap ang naging sitwasyon nila noong nakaraang limang buwan hanggang sa kasalukuyan dahil isang alitan naman ang namuo sa mga Patriarch ng mga Bayan malapit sa mga nayon nila. Kapag kasi magkagayon ay mahihirapan ang kanilang kilos lalo na sa loob at labas na mga aktibidad katulad na lamang ng pakikipagkalakalan. Makikita talaga ang epekto nito lalo na sa kanila na umaasa rin sa kalakalan dahil ang pagsasaka sa kanila ay hindi ganon ka-produktibo maging ang kagubatang malapit sa teritoryo nila ay baka agawin rin ng mga kalaban nilang taga kabilang nayon lamang. 
Isa itong nakakalungkot na pangyayari sa bayan ng Hercas lalo na sa mga namumuno rito pasan ang napakabigat na problemang ito.

Kabanata III – Summoner Glass

“Oo nga pala, puntahan niyo muna ang paanan ng nayon at doon ko na-ilagay ang bagay na hinatak ko o mas mabuting isang nilalang ang natagpuan ko.” sambit ni Apo Noni na siyang ikinabigla ni Village Chief Dario at ng tatlong mga Formers.
“Sigurado ka ba dyan Apo Noni?! Eh napakalayo naman ng tatlong Cities at ang Divine Dragon Kingdom na sakop nito ang kanilang nayon. Ang Albent City ang pinakamalapit na city rito para dito mapadpad ang ilan sa mga summoner na pinalakbay sa ibang mundo liban na lamang kung mayroong aksidente.” sambit ni Village Chief Dario habang mabilis na inalala ang mga summoner na ipinadala sa iba’t ibang mga mundo liban sa summoner world. Dito ay magkakaroon ng iba’t-ibang mga experience ang mga batang henerasyon ng mga summoners. Mayroong mga tala siyang nabasa tungkol rito lalo pa ng mga batang mga Summoner Warriors na naglilingkod sa Divine Dragon Kingdom. Ito ang kanilang tungkulin ng kanilang mga magulang at maipapasa ito sa kanilang mga pamilya o lahing pinagmulan. Naka-ugat at nakatatak na rin sa kanilang dugo ang pagiging mandirigma at susundin ang patakarang nakaatang sa kanilang lahi ng summoner. 
Kung ikukumpara kasi ang tungkuling nakaatang sa mga summoner warriors na may lakas na hindi bababa sa 7th Level Summoner hanggang Summoner Knight Level. Mayroong iba’t ibang tungkuling nakaatang sa kanila at mayroong mga ranggo rito. Mahihirap ang mga training ng mga ito at sasabak sila sa malawakang mga labanan at digmaan. Dito rin makikita kung karapat-dapat kang maging mandirigma ng Divine Dragon Kingdom bilang Imperial Guards o Imperial Army. Kung hindi man palarin ay maaari ka pa ring maging City Guards ng alinman sa tatlong Cities.
“Oo maaaring may anomalya nga pero mali naman ang iyong konklusyon dahil walang anomalya ang nagagawa ng Summoner Glass dahil hindi ito maaaring mapadpad sa atin dahil walang space cracks rito at wala ring dimensional rifts dito kung saan kusang bubukas ito kapag mayroong papasok. Kung meron man edi sana nagkaroon ng malaking butas yung mga layers ng space sa ating lugar eh wala naman diba?!” Sambit naman ni Apo Noni habang hawak-hawak niya ang kanyang mahabang bigote.
“Kung gayon Apo Noni ay hindi pala Space Transportation ang nangyari kundi isang Teleportation?!” Sambit ni First Former Aleton habang makikita sa kanyang mukha ang labis na gulat. Eh sino ba naman ang hindi diba?! Ang Familiars ay galing sa isang separate dimension na sobrang lapit sa kanilang mundo na siyang nagbibigay kapangyarihan sa kanila at maging ganap na summoner kung saan ay nagkakaroon ng Dimensional Rift na nangyayari kapag numinipis ang space wall ng mundong ito at ng mundo ng mga Summoned Creatures na nagiging familiar ng iba kapag nahuli nila ito gamit ang summoner’s rope kapag lumabas ang mga ito upang pumunta sa mundong ito. Ang Teleportation ay isa pa ring nakakamanghang abilidad lalo na ang bagay ay kusang nawawala at lumilitaw sa ibang lugar. Kung gayon ay hindi ordinaryong Summoners Glass ang sinasakyan ng nilalang na ito eh bakit naman napadpad rito sa kanilang nayon? Iyan ang lubos na pinagtataka nilang lahat.
“Oo maaari iyon pero isang kakaiba ngunit pambihirang bagay talaga ang pangyayaring ito pero hindi pa rin tayo sigurado dahil malamang ay dapat natin tong suriin at bawal nating ipagsabi ito sa kahit na sinuman lalo na sa Divine Dragon Kingdom at ng tatlong magigiting na siyudad dahil lagot tayo kapag lumabas ang impormasyong ito.” Sambit ni Apo Noni habang seryoso itong tumingin sa apat na nilalang na nasa harapan niya.
“Huh?! Bakit naman po Apo Noni, kailangang malaman ito ng tatlong City at ng Divine Dragon Kingdom hindi ba?!” Sambit ni Village Chief Dario habang kinakabahan sa sinasabi ni Apo Noni na itago o ilihim ito sa kinauukulan.
“Hindi maaari iyon dahil hindi mo naman siguro gustong maging laman tayo ng balita ng buong kingdom hindi ba?! Tsaka alalahanin niyong nasa krisis tayo ngayon at maaaring pag-initan ang ating Patriarch na lubos na gusto naman ng kaalitan nitong kapwa nito Patriarch tsaka hindi niyo alam ang maaaring gawin ng Divine Dragon Kingdom kapag nagkaroon ng interes ito sa lupain at mga kahina-hinala, aalamin at aalamin nila ang sitwasyon. Napaka-istrikto ng pamamahala nito sa nasasakupan nila lalo na sa mga malalaking nayon na kalapit ng kaharian kaya baka malagay lamang tayo sa delikadong sitwasyon.” Sambit ni Apo Noni habang seryoso itong nakatingin sa mga ito. Hindi kasi isang demokratikong pamahalaan ang Divine Dragon Kingdom at napasailalim sa Monarkiya. Ang kaayusan ang pinananatili nito at hindi maaaring suwayin ang pamamalakad nito ninuman lalo na ang magsimula ng ruckus. Ano na lamang ang maaaring mangyari kapag sila ang magsimula nito at pag-initan sila. Isa pa ay isa lamang ordinaryong mandirigma si Apo Noni noong kabataan niya pa at tanging sa Albent City lamang siya nakapasok dahil simula ng huli niyang mapagtagumpayan ang pagkakaroon ng titulo bilang 5th Level Summoner ay hindi na siya nagkaroon pa ng mga major accomplishments. Pwede pa sana siyang maging 6th Level Summoner dahil mayroon siyang solid foundation sa katawan para makamit ito ngunit ang problema ay kung paano siya makakahuli ng magiging Familiar niya na Summoned Creature kung wala siyang kapabilidad?! Ito ang lubos niyang ikinapanlumo. Ang 6th Level Summoner ang huling lebel na maaari niyang tapakan dahil mababa lamang ang kanyang summoner talent at dahil masyado na siyang pinag-lipasan ng panahon para makamit pa ang matataas na lebel ng mga Summoners. Dahil dito ay hindi siya napansin o nakilala man lang ng Albent City dahil sa pagiging marka niya bilang ordinaryong summoner. Tanging mga kapwa niya lamang summoner ang kilala siya o kaya sila-sila lamang ang magkakilala. Kung magsasalita man siya tungkol sa kanyang natuklasan ay marami pang prosesong pagdadaanan at marami pang mga makakabasa ng kanyang sulat na baka hindi rin mabasa ng Divine Dragon Kingdom at maakusahan pa siya o sila ng pagpapahayag ng maling impormasyon at mga taksil sa loob ng pamamahala ng kaharian na lubos niyang kinatatakutan. Kaya mas mabuting hindi na nila malaman ito para sa ikatatahimik ng lahat.
“Ano ang maaari nating gawin Apo Noni?! May solusyon po ba kayo?!” Sambit ni Third Former Serion habang makikita ang pagkabahala sa boses nito.
“Total ay tayo lang naman ang nakakaalam sa pangyayaring ito ay wag na nating ibalita ito sa labas. Sabihan niyo na lamang ang iba na nagkaroon lang ng salpukan ng dalawang ownerless beast sa kagubatan.” Sambit ni Apo Noni habang seryosong tiningnan si First Elder Aleton.
Halos nagulat naman si First Former Aleton ng tiningnan siya ni Apo Noni ngunit maya-maya pa ay ikinalma naman niya ang kanyang sarili.
“Opo Apo Noni, masusunod po!” Sambit ni First Former Aleton na magalang na yumuko at mabilis na umalis sa silid na ito. Sa kanya kasi nakaatang ang responsibilidad sa pagbabalita sa labas maging ang pagdating ng mga dayuhang balita mula sa ibang nayon. 
Tiningnan naman ng apat na nilalang ang papaalis na pigura ni First Former Aleton.

Torna in alto