Simulang basahin ang “Godly Gene”

Kabanata I – Sylvan Darvell

“Hay naku ano ba naman ang librong paborito kong binabasa sa online, hindi ko matanggap na ganito yung ending nito, bakit!!!” Halos pasigaw na sambit ni Sylvan Darvell nang matapos nitong basahin ang huling kabanata ng librong binabasa niya online. Palagi niyang binabasa ang libro ito lalo na at hindi lang ito sikat na libro kundi isa din ito sa pinakamagandang nabasa niyang nobela patungkol sa Cultivation.
Oo na, sabihin na nating isa siya sa mga mambabasa na humahanga sa mga akdang mayroong kinalaman sa mga martial artists na kayang mag-level up o umangat ang ranggo habang nagpapatuloy ang pag-unlad ng kwento. Hindi kasi ito isang pangkaraniwang kwento lamang o yung typical na kategorya na nababasa ng iba. Konti lang kasi ang may mahihilig dito dahil karamihan ay mga kapwa niya mga kalalakihan ang palaging hinahanap ang genre na ito kung saan ay naging libangan niya na.
Yun lang, talagang nasa isip niya na bakit ganito ang katapusan ng binabasa niyang Cultivation Novel o mas mabuting sabihing Cultivation Novels. With “S” kasi gusto niyang manuntok o suntukin ang sumulat na manunulat nito. Pinatay ba naman yung bida ng kwentong sinulat nito. 
Kung tutuusin ay masasabi niyang kung hindi naman namamatay ang bida ay kadalasan ay naki-cripple o nagiging imbalido naman ang bida sa huling pahina ng kwento o di kaya ay puro mga masasama ang kinahihinatnan ng kwento. Para sa kagaya niyang mambabasa ay talagang nakakadismaya ang ganito lalo na at napakahaba ng libro at ilang bolyum pa naman ang nababasa niya o nila na halos ilang buwan o taon pa bago nila matapos, minsan nga ay hinihintay pa nila kung kailan mag-update ang nasabing manunulat na halos pinagpuyatan nila pero ang katapusan ng libro ganun na lamang? It’s really frustrating. Hindi ba pwedeng bigyan ng magandang ending ang librong sinusulat nila? Kahit man lang sa kwento ay pwede bang happy ending lang? Oo na, demanding na kung demanding pero gusto ni Sylvan Darvell ng magandang ending o di kaya ay PERFECT HAPPY ENDING hindi ang PERFECT DISASTROUS SAD ENDING kagaya ng nabasa niyang ending ng librong paborito niyang basahin at subaybayan.
TING! TING! TING!
Ilang minuto pa lamang ang nakalipas ay hindi magkamayaw ang mga nababasa niyang mga komento at natatanggap na notifications mula sa librong paborito niyang binabasa. 
“Author naman, napaka-bitter mo!”
“Sayang lang ang oras ng pagbasa ng libro mo!”
“Ano ba naman yan, pati sa kwento na ‘to puro nalang sad ending?!”
“Hustisya naman diyan author, pinatay mo ang bida ng kwento!”
“Bakit ba talaga ang pangit ng katapusan nito?! Pwede bang may magsabi sa akin?!”
Ilan lamang iyan sa nabasang mga negatibong komento ni Sylvan Darvell habang nagba-browse ito ng mga komento ng mga kapwa niya mambabasa ng ganitong klaseng akda. Ewan niya ba pero kahit siya ay nadismaya din talaga lalo na at pinagpuyatan niyang basahin ng ilang taon ito lalo na at ito talaga ang inaabangan niyang kwento tungkol sa Cultivation Novel. Mala-SCI-FI din kasi ang lugar tagpuan ng kwentong binabasa niya at ang pinakapangit na nabasa niya ay ang ending nito. Bakit ba halos lahat ng mga manunulat ay gusto nila ng masamang katapusan para sa mga paborito niyang mga cultivation novels. Napaka-unfair kasi para sa mga mambabasang katulad niya lalo na at sobrang overpowered ng bida ng librong paborito niyang basahin tapos namatay lang ito sa mahina at napakapangit na kalaban nito. Kung andun siya sa mismong senaryo ng kwento ay baka binugbog niya na ito at pinagsusuntok pero naisip niyang may malakas palang mga martial arts skills ang mga ito at baka isang atake lamang ng mga ito sa kanya ay baka mabura ang existence niya.
Nag-scroll pa siya pababa para basahin ang mga komento at talagang hindi maipinta ang mukha niya sa mga nababasa niyang mga komento.
“Yan nga, buti nga sa bida ng kwentong to, napaka-arogante kasi kaya deserve lang na mamatay!”
“This is a perfect ending hahaha buti nga sa bida ng kwentong to!”
“Wahahaha… there is no such happy ending, mabuti at ganito ang ending ng kwento!”
“Talagang nagustuhan ko ang Tragic Story na ito!”
Ilan lamang ito sa mga nabasa niya sa comment section ng huling kabanata ng kwento na natutuwa sa ending. 
“Kung sinuman ang nagsi-komento na ito ay mga sira-ulo! Alam ba nilang nakakadepress ang ending ng kwentong ito tapos ginagatungan pa nila huhu!” Pagmamaktol ni Sylvan Darvell habang tiningnang maigi ang mga komentong naglipana sa comment sections ng online book na tapos na niyang basahin.
Inilayo na lamang ni Sylvan Darvell ang hawak niyang cellphone lalo na at hindi niya pa rin tanggap na ganoon na lamang. Sabihin man ng iba na napakaemosyunal niya eh fictional character lang naman iyon pero kahit na diba? Kahit sino namang tatanungin na tao patungkol sa bagay na napamahal na sa kanila ay talaga namang magiging defensive at emosyonal sila. 
Like hello,nasa planetang Earth siya at isa siyang nilalang na may emosyon. Isa lamang siyang ordinaryong na tao at tanging ang pagbabasa ng Cultivation Novels ang nagiging daan niya upang makapaglakbay sa kakaibang mundo ng librong binasa niya. Isa pa ay napakaraming mga mambabasa na minsan ay gustong takasan ang reyalidad ng mundong ito at kung paano nila pagaganahin ang imahinasyon nila sa kanilang binabasa o nababasa. Bawat kabanata ay sumasalamin sa buhay at kaganapan ng bida ng kwento kaya sa katagalan ay masasabi nilang napakaganda ng kwentong nababasa nila at napamahal na sila rito. Yung tipong ini-imagine nila na sila ang nasa katauhan ng bida ay talagang ramdam din nila ang paghihirap at iba pang mga pinagdadaanan nito. Kaya emosyonal siya ngayon. Pakiramdam din ni Sylvan Darvell ay magkakasakit siya ngayon at hindi niya ramdam ang maging produktibo sa araw na ito.
RING! RING! RING!
Narinig ni Sylvan Darvell ang pagtunog ng kanyang sariling cellphone. Nakita niya ang pagregister ng pangalan ng kaibigan niya sa screen ng cellphone niya. 
“Kuya Bong”
“O kuya, napatawag ka?!” Matamlay na sambit ni Sylvan sa kaibigan nito na dalawang taon ang tanda nito sa kanya. Talagang sakto pa ang tawag nito sa nangyaring malungkot na kabanata ng binabasa niyang kwento.
“Haha buti naman at tinawag mo kong kuya ngayon. Talagang may respeto ka na ngayon sa akin ah hahaha!” Pabirong sambit ni Kuya Bong sa kabilang linya.
Minsan lang kasi siyang mag-kuya rito este once in a blue moon lang talaga lalo na kung may problema siya.
“Tsk! Naniwala ka naman. Bad mood ako ngayon pwede ba Kuya Bong. Anong ganap, bakit ka napatawag?!” Tinatamad na saad ni Sylvan Darvell sa kausap niya. Hindi siya plastik para magpanggap na okay siya ngayon.
“Bad mood ka na kung bad mood pero may trabaho pang naghihintay dito sa’yo. Baka nakakalimutan mo, kamahalan!” Sambit ni Kuya Bong sa kabilang linya habang may diin ang pagkakasambit nito sa huling salita ng sinabi nito.
Nanlaki naman ang mga mata ni Sylvan Darvell. He feels like he is really sick right now lalo na at kagabi pa ito nagsimula. Nagtatrabaho siya sa isang Convenience Store bilang isang cashier at wala siyang day off ngayon. Ang huling day off niya ay noong first week of January pa yun pero Nobyembre na ngayon.
Siya kasi ang tipo ng anak na breadwinner ng pamilya nila. Labindalawang magkakapatid sila at tanging siya lamang ang may trabaho at nagtatrabaho sa kanila. Lasinggero ang tatay niya at sugarol naman ang nanay niya maging ang mga kapatid niya ay mayroong mga bisyo pero kahit ganon man ay never siyang nagreklamo sa mga ito dahil kung sususwayin o kokontrahin niya ang mga ito ay siya lang naman ang kokontrahin ng mga ito at pagmumukhaing masama. Martir na kung martir pero mahal niya ang pamilya niya dahil dugo’t laman niya ay nag-uugnay sa kanila. Isa pa ay siya ang bunso sa magkakapatid nila. 
Ang lahat ng sweldo niya ay napupunta sa mga ito kasi hindi niya matiis na hindi bigyan ang mga ito at kung hindi naman siya magbibigay ay talagang mabubugbog siya ng mga ito o mapapahiya sa lugar ng pinagtatrabahuhan niya. Pero nitong mga buwan ay nagrenta na siya sa boarding house na tinutuluyan niya ngayon para hindi na siya abalahin ng mga ito. Magastos din kasi kung uuwi pa siya sa kanila na tatlong rides pa iyon pero makakatipid siya kung andito lang siya sa nirerentahan niyang kwarto. Mura lang ang renta niya dito at ang tanging nagpapasaya lamang sa kanya ay ang pagbabasa niya lamang ng kanyang paboritong mg Cultivation Novels.
Okay ba ang pamilya niya? Malamang ay hindi lalo na at pakiramdam niya ng makatapos siya ng High School ay makakapag-aral pa siya ng kolehiyo. Nakapag-aral nga siya ngunit natigil din siya nang mangalahati siya ng semestre noong First Year. Marami na siyang pinasukang trabaho ngunit palagi siyang napapaalis hindi dahil sa pagiging incompetent niya sa trabaho kundi sa mga kapatid niyang mahilig manghuhuthot ng pera sa kanya na kala mo naman ay may pinapatago ang mga ito sa kanya.
Mula noong nasa elementarya pa lamang siya ay namulat na siya sa kahirapan at nagsumikap siya kagaya ng nababasa at napapanood niyang mga successful na mga personalidad na nababalita sa internet o sa mga programa sa telebisyon. Talaga namang ginawa niya iyon hanggang sa makapagtapos siya sa elementarya at hayskul ay nagbebenta siyang mga pagkain o anumang bagay na maaari niyang i-benta sa kapwa niya estudyante na puro legal. Hindi siya kailanman na-engganyong gumawa ng ilegal dahil labag iyon sa kalooban niya at sa batas.
Simula ng maging kahera siya sa iba’t-ibang mga business establishment ay palaki ng palaki ang hingi ng mga magulang niya maging ng kapatid niya. Hindi siya nagmamalinis at pagod na siyang ipagtanggol ang mga ito na tama pa ang ginagawa nila. Nagsusumikap siya dahil alam niyang wala na siyang maaasahan pa sa mga ito.
“Hello Sylvan Darvell?! Sylvan, andiyan ka pa ba?!” Malakas na pagkakasambit ni Kuya Bong habang makikita ang pag-aalala sa boses nito. Hindi lingid sa kaalaman niya ang kalagayan ni Sylvan na kaibigan niya lalo na at kasama niya ito sa trabaho. Parang nakababatang kapatid niya na ito kung tutuusin lalo na at kahabag-habag ang kalagayan nito. Kung siya ang tatanungin ay hindi na makatao ang turing ng pamilya nito sa kanya dahil parang walking ATM lamang ang papel nito sa buhay ng pamilya nito. 
Mahirap man ang buhay na kinamulatan ni Kuya Bong ay hindi naman ganoon kalala ang pamilyang kinabibilangan nito lalo na at mayroon siyang mabuting magulang maging ng mga kapatid niya na kumakayod o nagbabanat ng buto para sa pang araw-araw nilang pangangailangan. Sa totoo lang ay nae-enjoy niya pa rin tumulong sa magulang niya at Kalahati ng sweldo niya ay itinatabi niya at ang kalahati naman ay boluntaryo niyang binibigay sa sarili niyang ina. Talagang minalas lamang ang kaibigan nitong si Sylvan Darvell sa pamilyang kinabibilangan niya.
Bahagya namang napabalik sa reyalidad si Sylvan Darvell lalo na at hindi niya aakalaing natagalan siya sa naiisip niya idagdag pang bad mood siya sa nabasa niyang ending ng sinusubaybayan niyang libro. Opinyon ng puso’t damdamin niya na madismaya lalo na at napakaganda ng librong nabasa niya noh.
“Oo naman kuya, andito pa ko. Sige pupunta na ko diyan. Hintayin mo ko diyan bago ka umalis ha.” Sambit ni Sylvan habang pilit nitong pinasigla ang tono ng pananalita nito.
Ngunit nakaramdam naman ng kakaiba si Bong sa nakababatang kaibigan nito na si Sylvan Darvell. Alam niyang parang hindi ito okay lalo na sa paraan ng pananalita nito.
“Okay ka lang ba Sylvan, baka may dinaramdam ka sa katawan mo. Kailan ka ba nagkaroon ng day-off Mr. Always Present?!” Nag-aalalang sambit ni Bong habang makikitang nagbitiw pa ito ng pabirong titulo na sikat nitong palayaw sa kanila. Talagang hanga din kasi ito sa tibay at sipag sa pagtatrabaho ni Sylvan na siyang kaibigan niya. Talaga ngang naimpluwensyahan siya nito at wala siyang absent pero kung may day-off talaga ay gina-grab niya kaagad. Salitan kasi ang oras ng duty nila at si Sylvan ang papalit sa pwesto niya bilang cashier ng convenience store na pinagtatrabahuhan nila ngayon.
“Ano ka ba Bong, okay lang ako. Konting sinat lang to noh, di ako nito maaapektuhan.” Seryosong sambit ni Sylvan habang pilit nitong sinisiglahan ang tono ng boses nito. Kahit papaano ay may kaibigan siyang palabiro at nangangamusta sa kanya kung hindi ay baka boring na ang social life niya. Hindi din siya nagku-kuya rito madalas.
“Ano ka ba, kung may sakit ka ngayon Sylvan, pwede ka namang umabsent na muna at parang wala namang masyadong customer dito.” Seryosong sambit ni Bong sa kabilang linya. Minsan talaga di niya alam kung sino ang mas matanda sa kanila dahil mukhang tatanda ng maaga ang kaibigan niyang ito sa dami ng problema nito sa buhay.
Ngunit taliwas sa sinasabi nito ay narinig niya ang malakas na ingay mula sa mga tao sa kabilang linya na alam niyang mga customers nila iyon sa loob ng convenience store ng pinagtatrabahuhan nila. Malaki din ang convenience store nila na kakompetinsya ng 88/16, Molterr Store at iba pa na talaga namang dinadayo din ng karamihan.
“Okay ako Bong, maraming customers diyan at wag kang magsinungaling Bong dahil kaya ko magtrabaho. Wala din naman akong mapapala kung mananatili lamang ako sa higaan ng buong araw.” Sambit ni Sylvan habang pilit na pinasisigla ang tono ng pananalita nito.
Napahingang malalim naman ng wala sa oras si Bong sa kabilang linya at muling nagwika.
“Sige Sylvan pero inform mo ko kung hindi mo talaga kaya mag-report sa trabaho mo ha. Libre naman ako ngayong araw dahil wala naman akong gagawin.” Seryosong sambit ni Bu sa kabilang linya ng tawag.
Napasimangot naman ang si Sylvan sa tinuran ng kaibigan nitong si Bong. “Sinasabi ko na nga ba Bong eh, gusto mong mag-overtime para malaki suswelduhin mo. Aba aba… hindi ako papayag noh. Magbibihis lang ako. Hintayin mo ko diyan!” Seryosong sambit ni Sylvan habang tila umuusok ang ilong nito sa inis.
Alam niyang gusto ng kaibigan nitong na mag-overtime dahil malaki ang makukuha niyang sahod sa pay day nila kaya hindi siya papayag noh. Malaking pera ang makakaltas sa sweldo niya kung hindi siya makaka-duty sa araw na ito at imposible namang makaka-duty siya bukas dahil day off niya given na susulsulan naman siya ng dalawa pa nilang kapwa cashier liban kay Bong na ayaw siyang makatanggap ng reward sa disyembre na ipinangako ng may-ari ng convenience store na pinagtatrabahuhan niya.
…
Kasalukuyang naririto sa daan si Sylvan Darvell. Mabigat man ang pakiramdam niya ay kaya niya pa ring mag-duty ngayon lalo na at hindi pa siya nakabayad ng renta niya sa buwang ito. Talagang kukulangin ang maibibigay niya sa magulang at kapatid niya bukas na hindi ikatutuwa ng mga ito.
Nasa gitna siya ng kalsada nang bigla na lamang sumakit ang ulo niya na sa sobrang sakit nito ay napahawak pa siya sa parte ng ulo niyang sumasakit ngunit isang hindi inaasahang pangyayari ang biglaan na lamang nangyari.
BEEEEEEPPPPPPPP!!!
Isang malakas na busina at nakakasilaw na liwanag ang bigla na lamang nagpalingon si Sylvan na siyang ikinanlaki ng pares ng mga mata nito. Sa sobrang bilis ng pangyayari ay nakita na lamang ng binata ang pagtalsik ng katawan niya sa ere at pagguhit ng sakit sa buong katawan niya.
BLLAAAGGGG!!!
Parang namamanhid ang buong katawan niya sa sobrang sakit ng nararamdaman niya sa pagkakabagsak niya sa sementadong kalsada. Nakita niya ang sarili niyang naliligo sa sarili niyang dugo. 
May naririnig pa siyang mga sigaw at pagkakagulo ng mga tao na mabilis na nakapaligid sa kanya.
“Jusko, tumawag kayo ng Ambulansya!”
“Kawawa naman siya, ano bang nangyari?!”
“Panginoong mahabagin!”
“Napakabata niya pa para maaksidente!”
Ilan lamang iyan sa mga naririnig niyang boses. Tila nakaramdam siya ng haplos sa puso niya sa simpatya ng mga taong nakapaligid sa kanya.
“Ang tanga naman niya, talagang di tumitingin sa dinadaanan niya!”
“Oo nga, kung sino man yan ay dapat di tularan. Simpleng pagtawid sa kalsada ay di pa magawa!”
“Kita mo yan anak, wag mong tularan yang binatang yan na nakahandusay dahil yan ang sasapitin mo sa katangahan mo!”
“Mga kabataan nga naman, akala kasi nila ay sila ang hari ng kalsada!”
Nakaramdam naman ng pagkahabag at awa si Sylvan Darvell sa kanyang sarili lalo na sa malagim na pangyayaring nangyari sa kanya. Hindi niya aakalaing at sa kritikal niyang kalagayan ay mayroong masasamang mga nilalang ang nakapaligid sa kanya ang magsasalita ng mga masasakit na salitang hindi naman niya dapat matanggap. Imbes na maawa ang mga ito sa kahabag-habag na sinapit niya mula sa aksidente ay nagawa pa ng ilan sa mga ito na sermunan at pag-katuwaan pa siya. 
At this crucial point ng nalalapit niyang kamatayan ay talagang nagawa pa siyang pagsabihan ng masasakit na salita ng mga estranghero na hindi alam ang kwento ng buhay niya. They judge what they see. They are like a two-faced person na akala mo ay mababait ngunit sa oras na mahina at kailangan mo ng tulong ay lalabas ang kanilang mga tunay na kulay.
“Ito na ba ang katapusan ko? Gusto ko pang mabuhay ngunit paano kung mismong panahon na ang ukuha ng sarili kong hininga ay wala na akong magagawa pa.” Sambit ni Sylvan Darvell sa sariling isipan niya lamang habang nakabulagta ang katawan niya at tila nagdidilim na ang paningin niya. Humihina na rin ng humihina ang naririnig niyang boses. 
Ipinikit niya na ang kanyang mata tandang tinatanggap niya na ang masalimuot na kapalaran niya. Kagaya ng nabasa niyang libro, tama nga sigurong walang happy ending, na lahat ng bagay-bagay o ang mismong buhay ng mga nilalang ay may masalimuot na katapusan. 
Kahit na gusto niya na baguhin ang kapalaran niya ay talaga namang kahit siya ay alam niyang imposibleng mangyari iyon. There are things na kahit anong pilit mong baguhin ay nakatadhana na talagang mangyari. Tinatanong niya ang sarili niya kung bakit sa halip na makaramdam o gusto niyang makaramdam ng galit sa magulang at mga kapatid niya ay di niya magawa lalo na at kahit nag-aagaw buhay siya ngayon at nalalabi na lamang ang oras niya sa mundong ito ay gusto niya pa ring makausap ang mga ito. May pinagsisisihan ba siya sa maikling buhay niya sa mundong ito? Ang sagot niya ay wala. 
Biglang pumasok sa isipan ni Sylvan ang paboritong mga libro niya. Talagang hindi niya aakalaing ang mga masasamang bagay na kinaiinisan niya ay siya ring mangyayari sa kanya sa totoong buhay niya.
“Kung isa lamang akong cultivator ay malamang hindi ako mapapaslang ng simpleng pagkabangga na ito haha…!” Sambit ni Sylvan Darvell sa isipan niya habang pagak pa itong napatawa sa kanyang isipan lamang.
Ngunit ramdam niya ang mapait na lasa ng likidong bumubulwak palabas ng bibig niya. Talagang ang lagay niya ay kritikal na talaga. Pagkatapos ng ilang segundong pagkakasabi nito sa kanyang sariling isipan lamang ay nahihirapan na siyang huminga at tuluyan ring nagdilim ang paningin niya. 
Hindi niya sukat aakalaing ganito ang sasapitin niya. Mula noong maliit pa siya hanggang sa namulat at nagkaisip siya maging sa masalimuot na aksidenteng ito ay talagang puro kabiguan at pasakit ang nararamdaman niya.
Magkagayon man ay namatay siyang mapayapa habang walang anumang galit na kinikimkim sa kanyang puso’t isipan kahit na ang kapalaran niya ay naging madaya sa kanya. 
Kung bibigyan man siya ng pangalawang buhay ay sana naman, sa pagkakataong ito ay hinding-hindi na mangyayari ang tadhanang ganito. Pagod na siyang mag-isip at mabuhay sa mundong ito na kahit ang mundo ay tila pinaparusahan siya mismo.

Kabanata II – Ang Transmigrasyon

“HAAAAHHHHHHH!!!!!”
Malakas na tunog na pinakawalan ni Sylvan Darvell nang naghahabol ito ng paghinga. Pakiramdam niya ay matagal na siyang hindi nakakahinga. 
Nakita niya lamang ang kanyang sariling nasa isang tabing-dagat kung saan ay nanlalagkit ang katawan niya dahil sa kakaibang napakalapot na bagay na nasa buong katawan niya. Animo’y galing siya sa isang giyera sa itsura niya ngayon na mas masahol pa sa taong grasa.
“Patay na ba ako? Bakit nandito ako sa tabing dagat?! I’m supposed to be dead right?!” Tila gulat na gulat na sambit ni Sylvan Darvell habang labis itong nagtataka sa kanyang kasalukuyang senaryong nakikita. He really don’t know what’s happening lalo na ang pagkakapadpad niya dito. Patay na siya noong huling pagkaka-alaala niya. Diba dapat ay wala na siyang alaala. May dagat ba talaga sa langit? Hindi alam ni Sylvan Darvell kung ano’ng iisipin lalo na at nandito siya sa lugar na di niya alam kung saang parte ito ng lupalop ng Earth ito o kung langit ba ito eh kaso lang may dagat?!
Maya-maya pa ay bumalik sa isipan nito ang nangyari sa kanya. To be exact ay ang pagkaka-sagasa sa kanya noong isang araw. He supposed to be dead as corpse right now. Talagang nawindang ang utak niya kakaisip kung hallucinations lang ba ang lahat ng nangyayari.
“Kung hindi ako namatay ay saan ako ngayon? Pero namatay talaga ako eh, wait lang. Kumalma ka Sylvan Darvell kumalma ka… Kumalma ka…” Sambit ni Sylvan Darvell habang pilit nitong pinapakalma ang kanyang sarili. Paulit-ulit pa nitong sinasabi na kalmahin ang kanyang sarili lalo na at hindi niya talaga alam ang pangyayari. Hindi naman siguro basta-basta na lamang tianpon ang katawan niya sa dagat. Kahit iburol naman siya ng maayos, diba?!
Ramdam ni Sylvan Darvell ang tila pagkakaroon ng masangsang na amoy sa kanyang katawan at malagkit na bagay na kumakapit sa kanya.
“Ano ba naman to, sa lagay ko bang ‘to ay patay na ako pero ba’t ang baho ko. Pinagloloko ko ba ang sarili ko?! Haha” Sambit ni Sylvan nang mapansin niyang tila hindi usual ang nangyayari sa kanya lalo na at hindi naman dapat makaramdam ng kung ano ang patay na diba. Tsaka dapat ay parang fog lamang o di kaya ay maputlang-maputla ang balat niya hindi ba? Yung tipong pang-horror movie talaga na madalas niyang nakikita sa telebisyon. 
Hindi mapigilang mapatawa ni Sylvan lalo na at napaka-lame naman ng excuse niya.
Maya-maya pa ay nagulat na lamang siya nang bigla na lamang bumuhos ang napakaraming impormasyon sa loob ng kanyang sariling isipan. Karamihan sa pumasok sa isipan niya ay alam niyang hindi siya ang mismong may gawa ng iyon ngunit sa ala-alang iyon ay kamukha niya mismo at magkapangalan pa niya ito.
Bahagya siyang nahilo. Mas nagulat ang utak niya sa dami ng impormasyon at tila ang mga memoryang ito ay mayroong kinalaman sa kanya o siya ba talaga iyon.
Ewan ba niya, masyado lang siya sigurong lutang o nahihibang ngunit tila pang-out of this world talaga ang mga impormasyon na nasa utak niya.
Isa pa sa kakaibang nalaman niya ay ang napakaraming impormasyon patungkol sa lugar o mundong ginagalawan niya. 
“Wait, so isa itong kakaibang lugar ng mga Cultivators at hindi lamang iyon dahil isang modern world ito!” Sambit ni Sylvan Darvell ng malakas habang makikita ang labis na kasiyahan sa kanyang sariling mukha. Tila nabuhayan siya ng loob upang mabuhay.
Bigla na lamang napakamot sa kanyang sariling batok si Sylvan Darvell lalo na at pilit niyang ina-absorb ang mga impormasyong nalaman niya sa tila kakaibang mundong kinaroroonan niya ngayon. This is really frightening for him since he is not that knowledgeable enough to absorb all of it. Those freaking superhuman nature of people here can be undeniably a huge uproar and surprise for himself.
“Mas nauna pa kong natuwa sa pagpunta ko sa mundong ito kaysa sa orihinal na nagmamay-ari ng katawang ito. Normal pa ba ako? Haha!” Natatawang sambit ni Sylvan Darvell. Dahil sa labis na kasiyahan niya sa pagkabuhay niyang muli sa mundong ito ay nakalimutan niyang hindi pala siya ang orihinal na nagmamay-ari ng katawan sa mundong ito.
Natahimik bigla si Sylvan Darvell lalo pa’t masama ang isipin ang mga ganoong bagay. Wala siyang intensyon ng kung anuman pero ang masasabi niya lamang ay hindi niya gusto ang mga nakikita niyang senaryo sa loob ng utak niya.
Ang nagmamay-ari ng mortal na katawan na ito ay kapareho ng pangalan niya, si Sylvan Darvell. Isang binatang nerd dahil sa makapal nitong salamin at ang pagiging mailap nito sa tao.
Ayon sa pumasok na impormasyon sa kanyang utak ay halos kaedaran niya lamang si Sylvan Darvell sa mundong ito. Kaibahan sa mundong ginagalawan niya Earth ay ulila na itong lubos at tanging ang tiyahin niya lamang ang pamilyang natira rito kasama ang mga anak nito sa dating asawa na naglayas. Oo, mag-isang itinaguyod ng tiya niya. Sa kasamaang palad ay masama pa ang pag-uugali nito maging ng mga pinsan niya.
Ang pagkakaparehas niya lamang sa nasabing binata ay may pamilya silang mapang-api. Talagang mayroon at meron talagang miyembro ng angkan niyo ang may lahi ng mapang-api pero di niya naman nilalahat noh.
Nalaman niyang sa edad nitong labimpitong taong gulang sa mundong ito ay hindi naging mapalad si Sylvan Darvell lalo na at ang mundong ito ay tanging ang mga malalakas na mga Gene Cultivators lamang ang patuloy na umuunlad habang ang mga mahihinang mga Gene Cultivators ay walang mararating sa buhay. Isa lamang silang ordinaryong tao para maging manggagawa dito, walang masyadong labis na titulo para dito. Hindi sila isang produkto ng mga nilalang na tinatawag na Gene Cultivator Genius; mga henyo na nalampasan ang pambihirang antas ng mga talento at kasanayan ng mga ito.
Sa mundong ito na ang batayan ng lakas ng isang martial arts cultivator ay sa lakas ng Gene o ang mismong abilidad ng Genes ng partikular na sangay ng kakayahan ng Genes mo. 
Ang “gene” na tinutukoy dito ay hindi kagaya ng isang gene ng normal na tao kundi isang special gene na taglay ng mga pambihirang nilalang kagaya ng mga halimaw sa lugar na ito kung saan ay may iba’t-ibang functions at nagbibigay ng iba’t-ibang abilidad upang magkaroon ng abilidad na mapapasa sa kung sinumang nakakapatay nito na nagbibigay sa kanila ng Zenith Points.
“Ano kaya ang gene o special gene na taglay ng binatang orihinal na nagmamay-ari ng katawang ito?! Ito ang namumutawi sa isipan niya na tanong. Hindi niya pa kasi alam kung ano ito.
Titingnan niya pa sana ngunit nalaman wala pala itong special gene o genes na taglay. Sa pamamagitan ng pagpaslang ng mga dambuhalang mga Zen Beasts ay magkakaroon ka ng Zenith Points ngunit ang orihinal na nagmamay-ari ng katawang ito ay hindi man lang nagkaroon ng pagkakataong makakuha kahit ni isa man lang. 
“Ano bang ginawa ng pesteng nagmamay-ari ng katawang ito. Ni hindi man lang nito maipagtanggol ang sarili niya. At talagang hinayaan lang niya ang kanyang sariling ipalapa sa dambuhalang balyenang na mukhang carnivore? hmmp!” Sambit ni Sylvan Darvell nang unti-unting pumapasok ang mga impormasyon sa kanyang sariling utak. Kung andito lang sa harapan niya ang Sylvan Darvell ng mundong ito ay baka pinutakte niya na ito ng sermon. Hindi niya aakalaing hanggang dito ba naman ay napakahina ng tila kamukha’t-sarili niya dito. 
Isa lang ang pagkakaiba nila at iyon ay hindi siya sumusuko sa buhay. Nakakalungkot mang isipin ngunit nag-transmigrate ang consciousness niya dito sa mundong ito ng Cultivation. Namatay na rin ang nagmamay-ari ng katawang ito kaya ngayon ay siya na mismo ang nagmamay-ari ng nasabing katawang. 
Napakaswerte niya pa rin kung tutuusin lalo na at nabuhay siyang muli. Siguro ay mayroon pa siyang unfinished business o kung anuman dahil nabuhay siyang muli.
“Mabuti naman at buhay ako. Wag kang mag-alala Sylvan Darvell, pahahalagahan ko ang pangalawang buhay na binigay sa akin. Sisiguraduhin kong makakatapak ako sa mas mataas na lebel at hindi mo mararamdaman muli ang pang-aaping naranasan mo dito sa mundong ito!” Sambit ni Sylvan Darvell habang nakatingin sa bughaw na kalangitan. Tunay na ibang-iba ang mundong ito. It’s the survival of the fittest among Gene Cultivators. Hindi ito simpleng laro ng buhay at maraming banta sa kapaligiran.
Nalaman niya kasing ang orihinal na nagmamay-ari ng katawang ito ay palaging binubully ng mga kaklase niya o di kaya ay ng ibang tao. Palaging napagdidiskitahan at parang alila kung ituring ng kanyang sariling tiyahin o mga pinsan niya. Ibang-iba man ito sa naunang kaalaman niya sa mundong ito.
“Tama nga siguro ang manunulat ng mga libro patungkol sa Cultivation na na-isusulat nila. Ang mundong ito ay puno ng panganib at karahasan. If you can’t defend yourself, you will end up dying!” Seryosong sambit ni Sylvan Darvell habang napakuyom ng sarili nitong kamao. Talaga ngang hindi simpleng mundo ito kagaya ng Earth na pinagmulan niya na pera lamang ang batayan upang mabili ang mga bagay na gugustuhin mo pero dito ay konti lamang ang rule nito. Kahit nga ang fame o pagiging tanyag ay binabase sa kalakasan. Lakas at kapangyarihan ang batayan dito upang makamit ang lahat ng inaasam mo sa buhay na ito and the rest will follow. 
Mabilis na nagtampisaw si Sylvan Darvell sa tabing dagat na may pag-iingat lalo na at ang dagat o karagatan ay maraming mga nilalang na nakatira sa kailaliman nito at hindi niya maaaring bulabugin ang mga ito. Mayroong Zenith Points ang bagong katawan niya mga limang points lang. Biruin mo sa mahigit labing-pitong taong nabubuhay siya rito ay limang Zenith Points lang ang naipon sa katawan nito at wala din itong kaibigan sa mundong ito. 
Pagkatapos na makapaglinis ng kanyang katawan si Sylvan ay mabilis din itong naglakad palayo sa delikadong lugar na ito.
Mabilis na lumakad si Sylvan Darvell patungo sa isang masukal na kagubatan. Kinakailangan niyang mag-ipon ng points kaagad dahil kung hindi ay baka patuloy lamang siyang magiging mahina. Ang sarili niya na lamang ang aasahan niya sa mundong ito and he can’t die again just like noong nasa Earth pa siya. He will make sure that he will have his own place sa mapanganib na mundong ito.
Ang kagubatan na ito ay masasabing isang mahinang lebel lamang na kagubatan kung saan ay mga mahihinang mga Zen Beast lamang ang naririto at maliliit na points lamang ang makokolekta niya rito o kung sinumang pumaparito rito.
Ibayong pag-iingat pa rin ang kinakailangan ni Sylvan Darvell lalo na at napkahina niya pa at ang grupo ng mga Zen Beast ay hindi niya kakayaning labanan lalo na ang aggressive type na mga nilalang. Isa pa ay ayaw niyang makasalamuha ang mga nandidiskitang mga Gene Cultivators. Nandito lamang siya upang komolekta ng maliit na points para unti-unti siyang lumakas at makakolekta sa susunod ng mas malalaking points sa hinaharap.
“Mayroon bang sandata ang binatang nagmamay-ari ng katawang ito o wala? Pero imposible naman iyon diba lalo na at palagi itong napagdidiskitahan.” Sambit ni Sylvan Darvell lalo na at sa alaala niya ay mayroon itong hawak-hawak na maliit na kutsilyo. 
Agad namang kinapa-kapa ng binata ang kanang bulsa niya. Hindi nga siya nagkamali at nakita niya na ang maliit na kutsilyong sandata ni Sylvan Darvell. Mapakla namang napatawa na lamang si Sylvan Darvell dahil sa nakita niya. Ni hindi man lang nakabili ng sarili nitong malakas sanang sandata ang dating Sylvan sa kadahilanang kinukuha lang naman ng tiyahin at mga pinsan nito ang pera niya. Nagtatrabaho bilang janitor si Sylvan Darvell sa isang malaking establisyimento ng isang ordinaryong Gene Store. Talagang napakamapangsamantala ang magtiyahin na natitira niyang kamag-anak dahilan upang walang maipon o matira na pera para sa orihinal na may-ari ng katawang ito. Ang perang ginagamit sa mundong ito ay tinatawag na Gene Coins/Gene Money.
Ipinagpatuloy na lamang ni Sylvan Darvell ang paglalakad niya patungo sa mahinang lugar na kagubatan upang mangolekta ng Zenith Points sa mga mahihinang parte ng kagubatang papasukin niya.
Sa paglalakad ni Sylvan Darvell ay maingat siyang naglalakad at iniisip ang mga pinaka-pangkaraniwang mga Zen Beasts o mga napakahinang Zen Beasts sa mundong ito na alam niya. Ito muna ang main goal niya upang mabago niya ang masaklap na kapalaran niya. Hindi man siya biniyayaan ng lakas ngayon pero sisiguraduhin niyang makakamit niya ang lakas na kinakailangan niya upang patuloy na mabuhay sa mundong ito. He will make sure that in this world, he will be a different person that will be stronger than his past life or even the original owner of this body. 
Hindi nagtagal ay nakarating na nga si Sylvan Darvell sa kagubatan. Walang pag-aalinlangan niyang pinasok at sinuyod ang daan papasok rito. Sa pag-obserba ni Sylvan sa kapaligiran niya ay mabilis siyang napangiti nang may mapansin siyang pamilyar na lugar na siyang bahay ng isang nilalang na kung tawagin ay Black Ants.
“Pwede na ang isang to. Napakaswerte ko at napakalaki ng bahay ng langgam na ito.” Sambit ni Sylvan habang inoobserbahan nito ang bahay ng langgam na ito. Nakakatawa man isipin ngunit sa labing-walong taong gulang niya ay ngayon pa lamang siya mangha-hunting ng Zen Beast at sa napakahina pang uri ng Zen Beast ngunit masaya siya sapagkat hindi pa huli upang lumakas siya para maging ganap na Gene Cultivator. It ang pangunahing goal niya bago siya magpalakas ng tuluyan para maghangad ng mas mataas na mithiin sa pangalawang buhay niya sa mundong ito.
Agad na pinaslang isa-isa ni Sylvan ang halos daliri lamang sa laki na langgam na Black Ants. Sa katunayan ay isang parasitikong langgam ang Black Ants na ito lalo na at ang laway nito ay pumapatay ng halaman kaya nga ang lugar na kinatitirikan ng bahay ng colony nito ay walang mga nabubuhay na halaman. Ang mismong lupa ng bahay nito ay parang herbicide lalo na at kahit anong tanim mo dito ay wala kang mapapala dahil mapapatay lang din ang itinanim mo.

Kabanata III – Pakikipaglaban

+0.2, +0.1, +0.1, +0.3, +0.1, +0.3, +0.2, +0.2, +0.1, +0.1, +0.2…
Iyan lamang ang naririnig ni Sylvan Darvell sa kanyang tenga na mayroong Zenith Points earpiece kung saan nakaka-detect ito ng Zenith Points. Isa din ito sa dahilan para malaman niya kung ilang Zenith Points ang nakokolekta niya sa kanyang katawan.
Nagsisilbi din kasi ang Zenith Points earpiece niya bilang isa sa mga registered citizens ng mundong ito. Napaka-high tech ng mundong ito kahit na sobrang delikado ng mga lugar dito at maraming mga Zen Beasts ang nabubuhay kasama nila. Ano pa ba ang aasahan nila lalo na ang Zenith Points ang batayan para lumakas ang bawat cultivators dito upang magkaroon ng evolution ang kanilang katawan upang mag-evolve at magkaroon ng mga abilidad upang makipagsabayan sa pakikipaglaban sa mapamuksang mga Zen Beasts na nanggugulo sa mga District Cities.
Patuloy lamang sa pagdagdag ng points si Sylvan sa kanyang katawan pero kadalasan ay wala siyang nakukuhang mga Zenith Points sa mga malalaking langgam na ito idagdag pang halos ordinaryong langgam na nga ito. Magkagayon man ay lubos pa rin ang kasiyahan niya kahit random points lamang ang nakukuha niya. 
Mabilis na tiningnan ni Sylvan ang Gene watch niya kung saan ay itong device na ito ay may function na bumilang ng Zenith Points ng isang citizen at ang Evolution Requirements nito. 
Zenith Points Acquired: 7.6 Zenith Points
Evolution Requirements: 100 Zenith Points
Special Zenith Points: None
Napahinga na lamang ng malalim si Sylvan nang malaman niya ang requirements na ito. Hindi madaling mangolekta ng 100 Zenith Points lalo na at newbie pa lamang siya at wala pang kasama sa pag-hunt ng Gene Beasts kaya talagang mahirap mangolekta nito. all he can do now is to consistent at maging pasensyoso dahil hindi niya maaaring ilagay sa kapahamakan ang buhay niya.
Mabilis na ring umalis si Sylvan sa lugar na ito at naglakad pa papasok ng kagubatan. Masasabi niyang hindi pa sapat ang Zenith Points na nakuha niya. He’s not greedy pero kailangan niyang makakolekta ng 20 Zenith Points o mataas pa sa araw na ito para hindi na siya maapi at bantaan ng magaling niyang tiyahin at ng dalawang anak nitong kapareho nito ng ugali.
“Hintayin niyo lang ang pagbabalik ko dahil papalayasin ko din kayo sa pamamahay ng yumao kong ama. Hindi ko aakalaing kayo din ang nagpahirap kay Sylvan noong nabubuhay pa siya dito.” Galit na sambit ni Sylvan habang hindi nito mapigilang makaramdam ng awa sa yumaong orihinal na nagmamay-ari ng katawang ito. Ang kailangan niya muna ay mangolekta ng maraming Zenith Points upang mapaalis niya ang mga ito ng sapilitan sa pamamahay na pamana ng mga magulang niya na gusto pang kunin sa kanya ng tiyahin niya.
Maya-maya pa ay napansin ni Sylvan ang isang lugar kung saan ay maraming mga malalaking mga lizard na tinatawag na Green Lizard. Halos kasing laki ito ng bayawak ngunit ito ay napaka-aggresibo ngunit mapaminsala din ang Zen Beasts na ito lalo na at may taglay na lason ang balat nito na kayang kumitil sa mga kagubatan dito at kayang manglason ng katubigan dito sa loob ng kagubatang ito.
Mabilis namang sinugod ito ni Sylvan upang paslangin. Kung hindi siya nagkamali ay makakakolekta siya ng 0.5 points hanggang 1.0 points bawat isa sa mga ito kung papalarin siya. 
SLASH! SLASH! SLASH!
Mabilis na kinitilan ng buhay ni Sylvan ang mga parasitikong halimaw na ito. Hindi naman siya manghihinayang lalo na at halos lahat ng nabubuhay sa kagubatang ito ay puro Green Lizard. 
 +0.5 +1.5 +1.0 +1.0 +1.0+0.5 …
Sunod-sunod na pagtunog ng Zenith Points earpiece niya ang narinig niya sa kanyang tenga habang nagsasalita ang mechanical voice sa nasabing Zenith Points na nakukuha niya sa napaslang niyang mga Zen Beasts na Green Lizards.
Nasa tatlumpung Green Lizard ang napaslang niya kung saan ay nakakuha siya ng napakaraming points ngunit ang ilan sa mga ito ay wala siyang nakuhang Zenith Points.
Zenith Points Acquired: 20 Zenith Points
Evolution Requirements: 100 Zenith Points
Special Zenith Points: None
Natuwa naman si Sylvan lalo na at nakaabot siya sa 20 Zenith Points kaagad. Medyo nadismaya siya lalo pa’t naalala niyang hanggang 20 points lang limitasyon ng pagpatay sa mga mababang uri ng mga Zen Beast. Ito rin ang dahilan kung bakit wala ng silbi ang mababang uri ng mga Zen Beasts sa mga Gene Cultivators na nakatapak na sa 20 points pataas.
…
Walang alinlangan namang nilisan na kaagad ni Sylvan ang lugar na ito lalo pa’t wala na rin siyang mapapala kung mananatili pa siya rito dahil tapos na rin ang layunin niya sa pagpunta niya rito. Sa edad niyang labing-walong taong gulang ay madali lamang talaga siyang makakakolekta ng 20 Zenith Points dahil ang 5 Zenith Points niya ay ang actual points niya na hindi nadagdagan over a period of time. 
Isa sa dahilan ay dahil na rin sa tiyahin niyang bantay sarado ang bawat galaw niya noon pero nang makaabot siya ng labing-pitong taong gulang ay hindi na siya nakikitang banta ng mga ito lalo na at kapag natapos na ang kaarawan ng sinuman nang hindi nadadagdagan ang points niya at mawawalan ng silbi ang Zenith Points niya. Ngunit ang kaarawan niya ay sa susunod na buwan pa at labing-pito na siya kaya napatawa na lamang ang binatang si Sylvan habang naiisip ang mga bagay na ito.
“La la la la… Siguradong magugulat ang pesteng tiyahin ni Sylvan at ng mga anak niya sa pasabog na ipapakita ko sa kanila. Sisiguraduhin kong sa oras na ito ay mapapaalis ko sila sa sariling pamamahay ni Sylvan!” Sambit ni Sylvan Darvell habang nakakuyom ang mga kamay nito. Hindi na siyang makapaghintay na mawala sa landas niya ang mapang-abusong kamag-anak niya sa huling pamana ng kanyang mga magulang.
…
Nakarating na sa tapat ng malaking bahay si Sylvan Darvell. Hindi niya pa rin maiiwasang mamangha sa nakikita niyang laki at ganda ng mansyong kanyang natatanaw. 
“Napakaganda talaga ng bahay na ito ni Sylvan ngunit ako rin pala iyon noh haha… Sisiguraduhin kong mapapaalis ko na talaga sila ngayon para maiwasan ko ang pananatili ng ahas sa pamamahay ng mga yumao mga magulang at mismong si Sylvan.” Sambit ni Sylvan Darvell sa kanyang sariling isipan. Ang tinutukoy niya ay ang orihinal na nagmamay-ari ng katawan niya at ang mga magulang nitong yumao dahil sa isang kahindik-hindik na aksidente. Bilang respeto sa mga ito ay kailangan niyang protektahan ang mga bagay na naiwan ng pamilyang ito lalo na at hindi siya makakapunta sa mundong ito dahil kay Sylvan na kaedaran niya. 
Kahit papaano ay marunong siyang tumanaw ng utang na loob hindi kagaya ng tiyahin ng yumaong orihinal na nagmamay-ari ng katawang ito na ang kakapal ng mukha na daig pa ang kapal ng libro sa kakapalan. Idagdag pa ang dalawang damuhong anak nito na mga batugan na kala mo ay mga senyorito ng malaking bahay na ito.
Ito na ang hinihintay niyang oras ng komprontasyon niya sa mga ito.
Mabilis na kinuha ang susi ng bahay mula sa maliit na bulsa ng pantalon ni Sylvan. Halatang masaya siya sa mga oras na ito. Hindi naman siya ang mismong Sylvan na inaapi at nagpapa-api. Not in this way. Pagod na siyang maging mahina o magbingi-bingihan sa mga problema.
Sisiguraduhin niyang sa pangalawang pagkakataon ay palagi na siyang lalaban sa anumang klaseng hamon ng buhay o sitwasyon na kalalagyan niya.
Sigurado siyang magugulat ang mga ito sa pagdating niya. It is the right time for him to avenge the original Sylvan Darvell of this world.
…
“Ma, may magnanakaw ata ma!” Pagtakbong sambit ni Elton Bates. Nakita niya kasing kumalansing ang tunog ng gate nila habang nakita niya na lamang itong bukas. Hindi naman kasi imposibleng hindi niya makita iyon dahil malapit lang naman siya sa malaking glass wall ng second floor ng bahay na ito. Buong araw siyang nakahilata sa malaking kutson na palagi niyang ginagawa. Ang motto niya sa buhay ay kain tulog gala, yun lang. Patungkol sa Cultivation ay wala siyang pakialam dito dahil ayaw niyang maging Gene Cultivator noh.
“Tingnan mo kaya doon Ton-ton hindi yung puro ka suspetsa.” Sambit ng ina nitong si Priscilla Bates sa anak nitong si Elton. Talagang napakatamad ng anak nito. 
Abala kasi si Priscilla sa malaking lamesa kung saan ay nakalapag ang napakaraming mga koleksyon ng mamahaling mga alahas na meron siya. Those treasures are her belongings. Ganito siya kaluho sa bagay na sa tingin niya ay pagmamay-ari niya. Ang motto niya ay lahat ng naiwan ng kapatid niya ay sa kanya mapupunta.
“Tad, tingnan mo yung gate natin!” Malakas na sambit nito sa isa pa nitong anak na si Tad Bates. Gusto talaga nitong pagsusuntuntukin ang mga ito dahil sa labis na katamaran ng mga ito. Ni hindi niya mautusan ang mga ito kahit sa simpleng bagay lamang.
“Ma naman, busy pa ko sa assignments ko eh. Si Elton nalang please.” Sambit ni Tad Bates na nasa sala habang may ginagawa itong school works sa kanila. 
Si Tad Bates ang panganay sa kanilang magkapatid na mayroong labing-siyam na taong gulang habang ang kapatid nitong si Elton Bates naman ay labing-pitong taong gulang na. Ang tatay nila ay nanlayas dahil hindi nito matagalan ang ina nitong bugangera at pinagpalit ito sa mas magandang babae. Wala ring hilig sa Cultivation si Tad Bates ngunit mayroon na rin itong pundasyon sa kanyang sariling cultivation. Naniniwala siyang magagamit niya din ito sa pagprotekta sa sarili niya laban sa mga kaaway niya. Ngunit ang pangarap ni Tad Bates ay nais nitong makapag-aral sa prestihiyosong paaralan ngunit yun lang ay may masama din itong pag-uugali at nakapaself-centered nito.
“Hay naku Elton, tularan mo nga ang nakakatandang kapatid mo hindi yung nakahilata ka lang diyan. Makukurot kita ng wala sa oras dyan eh. ‘Pag nanakawan ang bahay natin, sinasabi ko sa’yo, sa daan kita papatulugin!” Pasigaw na sambit ng bugangera nitong ina na si Priscilla Bates sa anak nitong si Elton Bates na kala mo ay machine gun ang bibig nito dahil sa walang prenong pagsasalita nito. Ang mga kilay nga nito ay animo’y nasa three centimeters above sea level ng noo nito.
Nagulat na lamang sila ng bumukas ang malaking pintuan sa harap nila at bumungad sa kanila ang mukha ng isang nilalang na akala nila ay hindi na nila makikita pang muli. Kapwa natigilan ang tiyahin maging ang dalawang anak nito sa bulto ng nilalang na pumasok sa loob ng inaangkin nilang bahay.
“Akala ko ay patay ka nang hayop na Sylvan ka. Bakit bumangon ka pa sa hukay kung saan ay mapapasakin na sana ang titulo ng bahay na ito. Bwiset!” Sambit ni Priscilla Bates sa kanyang isipan lamang. Akala niya talaga ay napaslang na ito lalo pa’t ibinalita pa sa kanya na napaslang na si Sylvan Darvell na siyang pamangkin niya matapos itong kainin ng halimaw sa dagat. Iyon ang pangalawang magandang balitang nalaman niya matapos maaksidente ang mga magulang nito. Pero it turns out na buhay at nakaligtas pala ito mula sa kahindik-hindik na kaganapan sa buhay ng pesteng pamangkin niya.
“Paanong— Sylvan, okay ka lang ba, bakit ngayon ka lang? Sambit ni Priscilla Bates na kung saan ay makikitang pinapagana na naman nito ang pagiging best actress nito sa larangan ng pagda-drama. Halatang pinaplastikan lamang nito ang paglitaw ng taong akala niya ay napaslang na nitong nakaraang araw lamang.
Kitang-kita kung paano nagbago ang ekspresyon ng mukha nito na tila naawa sa naging kalagayan ng pamangkin nitong si Sylvan.
“Buwiset naman to’ng hayop na Sylvan na ‘to. Lagda na lamang ni mama ang kulang sa pag-aasikaso ng papeles pero it turns out na buhay pa pala ang animal na ‘to hmmp!” Gigil na sambit ni Tad habang napapamura pa ito sa kanyang isipan lamang. Tila pilit pinapakalma ang sarili niya dahil akala niya ay nabura na talaga si Sylvan sa buhay nila.
Plano nila sanang angkinin at kamkamin ang yaman ng pamilya Darvell lalo na at malaki ang perang nakapondo sa Gene Banks na iniwan ng kapatid ng ina niya na siyang tatay ni Sylvan Darvell maging ng ina nito na isang joint account para sa anak nila. Isang emergency Gene Bank savings iyon na para kay Sylvan Darvell at para lamang ito sa binata. Syempre hindi nila hahayaang malaman ito ni Sylvan at wala silang rason upang sabihin ito dahil gusto nilang makuha ito.
“Pag tinamaan ka nga naman ng kamalasan o. Akala ko talaga ay patay na tong Sylvan na ‘to!” Simpleng sambit rin ni Elton Bates sa kanyang sariling isipan lamang. Halatang hindi nito alam ang gagawin niya. Pero alam niyang hindi papayag ang ina at kapatid niya na mawala sa kanila ang lahat ng pinaghirapan nilang makuhang yaman ng pamilya ni Sylvan Darvell.
“Mabuti naman at buhay ka Sylvan. Akala ko talaga ay napaslang ka na dahil sa aksidente.” Sambit ni Tad Bates na nagpapanggap pa itong natutuwa sa pagbabalik ng binatang si Sylvan.
“Sylvan, akala ko talaga ay totoo ang balitang iyon. Mabuti at ligtas kang nakabalik sa pamamahay namin este natin.” Sambit ng lalaking si Elton na nag-drama din katulad ng ina nitong si Priscilla at nakakatandang kapatid nito na si Tad Bates.

Torna in alto